Semi-Detailed Lesson Plan in Filipino: Pang-abay

Banghay Aralin sa Filipino IV

I – LAYUNIN
·         Natutukoy ang pang-abay sa isang dayalogo
·         Nagagamit ang pang-abay upang mabuo ang pangungusap
·         Nauuri ang pang-abay

II – PAKSANG ARALIN
Paksa                   :           pang-abay
Sanggunian          :           aklat sa Filipino 4
Kagamitan           :           mga larawan
Pagpapahalaga   :           pagmamalaki sa kulturang pinoy ay pagiging Pilipino

III – PAMAMARAAN
A.    Pangunahing Gawain
a.       Pagbabalik aral
-          May bagay na ipapasa-pasa kasabay ang saliw ng musika, at kapag ito’y humito, ang studyanteng may hawak ng bagay na iyon ay tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon.

b.      Pagganyak
-          Itanong sa klase kung may alam silang bugtong.
-          Sinu-sino ang mahilig sa bugtong?
-          Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino?
Magbigay ng bugtong:
1.      Nagising si Insyong, sa ilalim ng gatong.
2.      Wala sa langit, wala sa lupa, kung maglakad patihaya
3.      Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap.

c.       Bago ang pagbasa
Ibigay ang kaukulang pamantayan sa pagbasa at pakikinig ng dayalogo.
d.      Pagbabasa
Basahin ang dayalogo na ilalagay sa pisara
e.       Pagkatapos ng pagbasa
Magtanong ng mga bagay tungkol sa dayalogong binasa.
f.       Paghlalahad
                                                              i.      Magtanong sa mga estudyante kung ano ang kanilang mga napapansin sa mga salitang may salungguhit mula sa dayalogong binasa.
                                                            ii.      Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap
1.      Sa ilalim ng punong mangga kami nagkukwentuhan.
2.      Malinaw siyang magkwento.
3.      Tanaghali na nang gumising si Lola Tinay.
                                                          iii.      Magbigay halimbawa ng pangungusap na may pang-abay ang mga estudyante.
g.      Paglalagom/paglalahat
                                                              i.      Ano ang pang-abay?
                                                            ii.      Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?

IV-  PAGTATAYA
            Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraam, PN kung itoy pang-abay na pamanahon at PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

1.      Nagbakasyon kami sa Tagaytay.
2.      Babalik sila sa isang lingo.
3.      Masayang naglalaro ang mga bata.
4.      Dadalaw kami sa bahay ni Ana.
5.      Maagang pumasok si Noel.
6.      Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jones sa Sabado.
7.      Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.

V – TAKDANG ARALIN
            Magsalaysay ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng mga pang-abay sa pasalaysay.


Comments

Post a Comment

Popular Posts