Detailed Lesson Plan in Filipino IV: Pang-abay
Banghay Aralin sa Filipino IV
I – LAYUNIN
·
Natutukoy
ang pang-abay sa isang dayalogo
·
Nagagamit
ang pang-abay upang mabuo ang pangungusap
·
Nauuri
ang pang-abay
II – PAKSANG
ARALIN
Paksa
: pang-abay
Sanggunian : aklat
sa Filipino 4
Kagamitan : mga
larawan
Pagpapahalaga : pagmamalaki
sa kulturang pinoy ay pagiging Pilipino
III – PAMAMARAAN
Guro
|
Mag-aaral
|
A. Pangunahing Gawain
Lahat
magsitayo at manalangin tayo.
Sa ngalan ng
Ama, Anak at espirtitu Santo, Amen. Salamat po Panginoon sa lahat ng bagay na
binibigay Niyo sa amin sa araw-araw. Nawa’y bigyan Niyo po kami ng lakas
upang magawa po naming ang aming mga adhikain. Minamahal po namin Kayo. Hinihiling po
namin ito sa Ngalan ni Kristo. Amen.
Magandang
umaga sa lahat
|
Sa ngalan ng
Ama, Anak at espirtitu Santo, Amen. Salamat po Panginoon sa lahat ng bagay na
binibigay Niyo sa amin sa araw-araw. Nawa’y bigyan Niyo po kami ng lakas
upang magawa po naming ang aming mga adhikain. Minamahal po namin Kayo. Hinihiling po
namin ito sa Ngalan ni Kristo. Amen.
Magandang umaga po, Binibining
Ronaele, magandang umaga rin mga kaklase, ikinagagalak naming Makita kayo.
Mabuhay!
|
Kamusta kayo?
|
Mabuti
|
pagbabalik
aral
Magaling kung ganoon. Ngunit bago ang
lahat, maglalaro muna tayo. Ang gagawin ninyo ay ipapa-pasa ang bagay na ito
kasabay ang saliw ng musika, at kapag ito’y humito, ang studyanteng may hawak
ng bagay na ito ay tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon. Handa naba kayo?
Ano ang huling tinalakay natin
kahapon?
Magaling. Ano ang gamit ng pang-ugnay?
|
Opo
(isinasagawa ang laro)
Tungkol po sa pang-ugnay.
Ito po ay nag-uugnay sa dalawa ot
higit pang pangungusap.
|
Pagganyak.
May nalalaman ba kayong mga bugtong?
Sinu-sino sa inyo ang mahilig sa
bugtong?
Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang
Pilipino? Bakit?
Ngayon, may ibibigay akong bugtong sa
inyo, sagutin ninyu ito ng mabilisan. Handa na ba kayo?
1.
Nagising si Insyong, sa ilalim ng gatong. Ano ang
sagot?
2.
Wala sa langit, wala sa lupa, kung maglakad
patihaya.
3.
Bituing buto’t balat, kung pasko lamang
kumikislap.
|
Mero po.
Kami po.
Opo, dahil napapalaganap nito ang diwa
ng pagkapilipino at matalas na kaisipan.
Opo.
Ito po ay bibingka.
Bangka po ang sagot.
Parol naman po ang sagot sa bugtong na
ito.
|
Bago
ang pagbasa:
Mayroon akong dayalogo na ipapaskil sa
pisara. Ngunit bago yan, anu-ano ba ang mga pamantayan sa pagbasa nang
tahimik?
|
Babahin ng walang ingay,
Umupo nang matuwid at unawain ang
binabasa.
|
Pababasa:
Ngayon, basahin na natin nanag tahimik
ang dayalogo sa pisara sa loob ng limang minute.
|
(binabasa ang dayalogo)
|
Pagkatapos
ng pagbabasa:
Ano sa tingin ninyo ang paksa ng
kanilang dayalogo?
Sinu-sino ang mga nag-uusap sa
dayalogo?
Saan papunta sina Jones at Noel?
Bakit?
|
Tungkol sa darating na kaarawan ni
Jones.
Si Jones at Noel po.
Sa Jollibe po dahil magdiriwang sila
sa kaarawan ni Jones.
|
Paglalahad:
Muli ninyong titigan at punahin ang
mga nasa dayalogo. Anu ang napapansin niyo dito?
Ano ang tawag sa kanila?
Tama. Ito ay mga pang-abay.
Ano ang ibig sabihin ng pang-abay?
Magaling. Ito ay tumutukoy sa pandiwa,
pang-uri at kapwa pang-abay.
Ilang uri mayroon ang pang-abay?
Anu-ano kaya ang mga ito?
(ipaliwanag ang mga ito)
Ngayon ay mga mga halimbawa ako dito.
1.
Sa ilalim ng punong mangga kami nagkukwentuhan.
Nasaan
dito ang pang-abay? Anong uri?
2.
Malinaw siyang magkwento.
Nasaan
dito ang pang-abay? Anong uri?
3.
Tanaghali na nang gumising si Lola Tinay.
Nasaan
dito ang pang-abay? Anong uri?
|
Ang mga salita ng tumutukoy sa mga
lugar at pagkilos.
Mga pang-abay po.
Ito po ay tumutukoy sa pandiwa,
pang-uri at kapwa pang-abay.
May tatlong uri po.
Pamaraan, panlunan at pamanahon.
Sa ilalim po.
Panlunan po.
Magkwento po.
Pamaraan po.
Tanghali po.
Pamanahon po.
|
Paglalagom/paglalahat
1.
Ano ang pang-abay?
2.
Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?
|
Ito po ay tumutukoy sa pandiwa,
pang-uri at kapwa pang-abay.
Pamaraan, panlunan at pamanahon po.
|
PAGTATAYA
Kumuha ng
kalahating bahagi ng papel.
Magkakaroon
tayo ng maikling pagsusulit. Sagutin ang mga sumusunod: handa na kayo?
Isulat sa
patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay
na pamaraam, PN kung itoy pang-abay na pamanahon at PL kung ito
ay pang-abay na panlunan.
1.
Nagbakasyon kami sa Tagaytay.
2.
Babalik sila sa isang lingo.
3.
Masayang naglalaro ang mga bata.
4.
Dadalaw kami sa bahay ni Ana.
5.
Maagang pumasok si Noel.
6.
Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jones sa Sabado.
7.
Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.
Ipasa ang
papel sa harap kapag tapos na.
|
Opo
(isinasagawa ang pagsusulit)
|
TAKDANG ARALIN
Kunin ninyo
ang kwaderno sa takdang aralin at isulat ito.
Magsalaysay ng
isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng mga pang-abay sa
pasalaysay.
|
(sinusulat ang takdang-aralin)
|
Paalam na sa
lahat
|
Maraming salamat at paalam na po,
Binibining Ronaele
|
may pang-uri po ba karo maam?
ReplyDeletePwde po bang mabasa ang dayalogo na inyong ipinabasa?
ReplyDeleteNasaan po ang dayalogo?
ReplyDeleteAsan nga ang dayalogo?
ReplyDeleteSayang po yunh dayalogo..
ReplyDeleteSana po pati ang dyalogo nakasulat sa din.
ReplyDeletepwede po mahingi ang dayalogo
ReplyDelete