Detailed Lesson Plan in Filipino IV: Pang-abay

Banghay Aralin sa Filipino IV

I – LAYUNIN
·         Natutukoy ang pang-abay sa isang dayalogo
·         Nagagamit ang pang-abay upang mabuo ang pangungusap
·         Nauuri ang pang-abay

II – PAKSANG ARALIN
Paksa                   :           pang-abay
Sanggunian          :           aklat sa Filipino 4
Kagamitan           :           mga larawan
Pagpapahalaga   :           pagmamalaki sa kulturang pinoy ay pagiging Pilipino

III – PAMAMARAAN
Guro
Mag-aaral
A.  Pangunahing Gawain
     
Lahat magsitayo at manalangin tayo.

Sa ngalan ng Ama, Anak at espirtitu Santo, Amen. Salamat po Panginoon sa lahat ng bagay na binibigay Niyo sa amin sa araw-araw. Nawa’y bigyan Niyo po kami ng lakas upang magawa po naming ang aming mga adhikain.  Minamahal po namin Kayo. Hinihiling po namin ito sa Ngalan ni Kristo. Amen.

Magandang umaga sa lahat




Sa ngalan ng Ama, Anak at espirtitu Santo, Amen. Salamat po Panginoon sa lahat ng bagay na binibigay Niyo sa amin sa araw-araw. Nawa’y bigyan Niyo po kami ng lakas upang magawa po naming ang aming mga adhikain.  Minamahal po namin Kayo. Hinihiling po namin ito sa Ngalan ni Kristo. Amen.

Magandang umaga po, Binibining Ronaele, magandang umaga rin mga kaklase, ikinagagalak naming Makita kayo. Mabuhay!

Kamusta kayo?
Mabuti
pagbabalik aral
Magaling kung ganoon. Ngunit bago ang lahat, maglalaro muna tayo. Ang gagawin ninyo ay ipapa-pasa ang bagay na ito kasabay ang saliw ng musika, at kapag ito’y humito, ang studyanteng may hawak ng bagay na ito ay tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon. Handa naba kayo?

Ano ang huling tinalakay natin kahapon?

Magaling. Ano ang gamit ng pang-ugnay?

Opo


(isinasagawa ang laro)




Tungkol po sa pang-ugnay.

Ito po ay nag-uugnay sa dalawa ot higit pang pangungusap.
Pagganyak.

May nalalaman ba kayong mga bugtong?

Sinu-sino sa inyo ang mahilig sa bugtong?

Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino? Bakit?

Ngayon, may ibibigay akong bugtong sa inyo, sagutin ninyu ito ng mabilisan. Handa na ba kayo?

1.      Nagising si Insyong, sa ilalim ng gatong. Ano ang sagot?
2.      Wala sa langit, wala sa lupa, kung maglakad patihaya.
3.      Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap.



Mero po.

Kami po.

Opo, dahil napapalaganap nito ang diwa ng pagkapilipino at matalas na kaisipan.

Opo.



Ito po ay bibingka.

Bangka po ang sagot.

Parol naman po ang sagot sa bugtong na ito.

Bago ang pagbasa:

Mayroon akong dayalogo na ipapaskil sa pisara. Ngunit bago yan, anu-ano ba ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik?

Babahin ng walang ingay,
Umupo nang matuwid at unawain ang binabasa.
Pababasa:

Ngayon, basahin na natin nanag tahimik ang dayalogo sa pisara sa loob ng limang minute.


(binabasa ang dayalogo)
Pagkatapos ng pagbabasa:

Ano sa tingin ninyo ang paksa ng kanilang dayalogo?

Sinu-sino ang mga nag-uusap sa dayalogo?

Saan papunta sina Jones at Noel? Bakit?



Tungkol sa darating na kaarawan ni Jones.


Si Jones at Noel po.

Sa Jollibe po dahil magdiriwang sila sa kaarawan ni Jones.
Paglalahad:

Muli ninyong titigan at punahin ang mga nasa dayalogo. Anu ang napapansin niyo dito?
Ano ang tawag sa kanila?
Tama. Ito ay mga pang-abay.

Ano ang ibig sabihin ng pang-abay?
Magaling. Ito ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Ilang uri mayroon ang pang-abay?
Anu-ano kaya ang mga ito?
(ipaliwanag ang mga ito)

Ngayon ay mga mga halimbawa ako dito.
1.      Sa ilalim ng punong mangga kami nagkukwentuhan.
Nasaan dito ang pang-abay? Anong uri?

2.      Malinaw siyang magkwento.
Nasaan dito ang pang-abay? Anong uri?

3.      Tanaghali na nang gumising si Lola Tinay.
Nasaan dito ang pang-abay? Anong uri?




Ang mga salita ng tumutukoy sa mga lugar at pagkilos.

Mga pang-abay po.


Ito po ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.


May tatlong uri po.
Pamaraan, panlunan at pamanahon.



Sa ilalim po.

Panlunan po.

Magkwento po.
Pamaraan po.

Tanghali po.
Pamanahon po.


Paglalagom/paglalahat
1.      Ano ang pang-abay?


2.      Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?


Ito po ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Pamaraan, panlunan at pamanahon po.
PAGTATAYA

Kumuha ng kalahating bahagi ng papel.
Magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit. Sagutin ang mga sumusunod: handa na kayo?

Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraam, PN kung itoy pang-abay na pamanahon at PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

1.      Nagbakasyon kami sa Tagaytay.
2.      Babalik sila sa isang lingo.
3.      Masayang naglalaro ang mga bata.
4.      Dadalaw kami sa bahay ni Ana.
5.      Maagang pumasok si Noel.
6.      Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jones sa Sabado.
7.      Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.

Ipasa ang papel sa harap kapag tapos na.





Opo

(isinasagawa ang pagsusulit)
TAKDANG ARALIN       

Kunin ninyo ang kwaderno sa takdang aralin at isulat ito.

Magsalaysay ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng mga pang-abay sa pasalaysay.


(sinusulat ang takdang-aralin)
Paalam na sa lahat
Maraming salamat at paalam na po, Binibining Ronaele


Comments

Post a Comment

Popular Posts